Thursday, November 15, 2012

Ang Antipolo

Halina na sa Antipolo!
suman...
Ang mahal kong bayan, Antipolo...tinagurian "little Baguio" dahil sa taglay na likas na yaman, mga mayayabong na puno na syang nagbibigay ng sariwa malamig na hangin na dadampi sa iyong pisngi sa pagsapit mo pa lamang sa bukana nito. Idagdag pa ang malakristal na tubig na bumabagasak mula sa itaas ng bundok na animoy lumilikha ng kakaibang musika na humahalina sa bawat makakarinig. Sa pagsapit sa mismong kabayanan, di matatawaran sa sarap na mga pagkain ang tatambad sa iyong paningin na bubusog sa iyong tiyan at papawi ng hapong nadarama muls sa malayong paglalakbay.
manga...
at kasoy.